Posted by girlie on October 17, 2008
Bago nga ba ito? Technically hindi na kasi parang 2 months ago ko pa ito pinabili. Pero eto ang pinaka-latest na bago sa buhay ko. So far enjoy ako na gamitin sya. Di ko na bibitbitin yung jurassic na point and shoot ko, pero hindi pa sya magre-retire. Gagamitin ko sya pag nag-commute lang ako at kelangan ko ng camera. In other words, pede ko na ipamigay sa mga nangho-holdup at mga snatchers.
Is this really new? Technically it’s not since I bought it 2 months ago I think. This is my latest purchase, so I consider it new. So far I’m enjoying, it takes great photos. I won’t be bringing my other point and shoot (humungous) anymore unless I take the jeepney and a camera is needed. In other words, the hold upper and the snatcher can have it.

Posted by girlie on October 9, 2008

Meron kayo nyan? Sa lahat ng gadgets na dumaan sa kamay ko, parang ito nalang ang katangi-tanging naitago ko. Di ko na talaga maalala kelan ko nabili yan, parang 1995 yata, aba mahigit 10 taon na pala. Ewan ko kung bakit naitago ko, at ewan ko din kung gumagana pa sya, malamang hindi na dahil nagtae na ang baterya nyan. Parang di ko yata naalala tanggalan ng baterya nung ito’y itinago ko. Teka check ko nga, baka sakali pede pa mapakinabangan…ay 32 kb ano ba kasya ba talaga? Obvious ba na talagang lumang luma na ito.
*Do you have that? Among all the gadgets that I owned, seems like this is the only one I’ve kept. I don’t remember when I bought it, maybe in 1995? I’m not even sure if it still works, but more on not, because I forgot to take out the batteries. Now let me see…maybe I can still use it…but 32 kb, dang it’s old.


Di ko alam kung ano ang tawag dyan, basta nakita namin sa antique shop yan. Madidismaya ka kung ito’y una mong makita, as in naghiwa-hiwalay na sila. Nakuha daw yan dun sa tinibag na lumang bahay nung taong 1930s. Ewan how true, pero halatang halata naman ang kalumaan nya. Ni-restore nalang namin yan para mapakinabangan sa aming tahanan. Maganda ang naging resulta nung ito’y aming kinabit, magandang accent sya para sa bahay. Meron pa sana akong isang litrato, antique na cabinet naman, 1946 pa daw sabi ng kapitbahay namin. Ibinenta samin sa kadahilanang sobrang bigat daw ito at lumulundo na ang floor nila. Buti nalang samin nilang inisip ibenta. Mahilig ang aking esposo sa mga lumang bagay, kasama na ako, haha. Starring na naman ang aking Christmas tree, hehe ito ay pinagmamalaki ko talaga, dahil sa tanang buhay ko bilang misis, ngayon lang ako nagkaron ng ganung kagandang tree.
*I don’t know what it’s called, we saw it in one of the antique shops. You wouldn’t think of buying it because of it’s condition…it was falling apart already. The shop owner told us that they got that from a very old house probably in the 30s. I don’t know how true, but maybe yes, it looks that old already. We had to restore it so we can put it in the house. It gave a nice accent and made our house more beautiful. I’m suppose to have one more pic, but I am lazy to go down and take a photo of our recent purchase. A 1946 cabinet sold to us by our neighbor.

Posted by girlie on October 2, 2008
Mga isa’t kalahating taon na sya sakin. Bigay sakin ni asawa nung 2007 bilang regalo para sa lahat ng okasyon nung 2007. Basta lahat ng okasyon na maisip nyo, yan ang regalo nya. Ngayon pinag-iinitan ng aking bunsong lalaki ang kompyuter na ito, gusto nya makipagpalit sakin, dahil yung online game na nilalaro nya ay angkop sa vga card ng kompyuter na ito. Siempre ayaw kong pumayag, pero pede naman nya gamitin kung wala ako sa harap nito.
That laptop has been with me for one and a half years already. It’s the “all occasion” gift of the hubs to me. My son wants to trade his laptop with mine because of the vga card. He loves to play online games using my computer. (hala parang naiba yata ang translation ko, ah basta yun na yun). Nope I didn’t agree, I just allow him to use it whenever I’m not in front of it.

Posted by girlie on September 25, 2008
Napaisip ako sa tema natin ngayong linggo. Di ko maintindihan kung b&w ba shoot mode ko, o b&w ang kukunan ko. Nagdecide ako on the later. Gagawin ko din sana b&w mode kaso lazy na naman ako, nagloloko kasi tong laptop ko. Oo, para akong lola, di akalaing marunong mag knit at mahilig mag-knit. Nakakasira ng image sa pagiging hipncool…pero pede na din hipncoolola…ay ang pangit, quince anyos pa lang panganay ko, hehe.
Today’s theme got me thinking. Should I shoot b&w mode or am I suppose to take things with the colors black and white? I decided on the later. I wanted to do both, but as usual I got lazy. I’m like grammy, who would think that I know how to knit and loves knitting? I’m not living up to my name, hipncoolgrammy? Nah, my eldest is just 15.
Hirap talaga mag-translate.

Posted by girlie on September 18, 2008
Huli na naman, ang arte ko kasi eh, meron akong gustong kunan tinatamad naman akong bumaba. Bigla ko tuloy naisip, aha meron pala ako nabili sa 168 nung araw na ginintuan. Eto isang maliit na makeup kit, kumikinang kinang pa. Naging peyborit ko ito nung araw, pero nung nakakita ako ng mas maganda, pinalitan ko as usual. Babae nga naman, fickle minded talaga.
I’m late in posting again, I wanted something else but then I was too lazy to go down (1st floor). Then I remembered, I bought something at 168 a long time ago, something gold(ish). It’s a makeup kit. I used it a lot, but when I found something nicer, I changed again and again…ah so fickle minded.
Posted by girlie on September 11, 2008


Ay grabe, kung di pa pilak ang theme sa LP, di ko pa maalala linisin yan. O di ba makintab kintab na, pero kelangan i-buff, daming gasgas eh. On second thought wag na kaya, baka maubos, heehee. Peyborit kong isuot yan, kaya ganyan na ang condition nya, plus di ko pa sya regularly nalilinis. Siguro may isang taon na din syang di nakakatikim ng silver polish. Siguro ang laki ng pasasalamat nya kay Ms. LP o kung sino man ang nakaisip din ng tema sa linggong ito.
*If not for this week’s theme, I wouldn’t remember cleaning it. Now it’s shiny but needs buffing. It’s a fave so you will often see me wearing it. Thanks to Ms. LP and to the one who thought of this week’s theme.

Posted by girlie on September 4, 2008

Medyo mahirap hanapin ang tema para sa linggong ito. Naghahanap ako ng wire na tanso sa aming bodega, dahil naalala ko gumamit kami nun nung kami’y nagpapagawa ng bahay. Wala, di ko alam kung ito’y naitapon. Buti nalang naalala ko na meron pala akong nabili ng singsing (cocktail ring) na yari sa tanso ang band. Wahoo, nawalan agad ako ng problema. Heehee malaking problema pala sakin ang di makalahok sa LP. Nagkataon na bago ang aking P&S na camera, kaya enjoy na enjoy ako. Sari saring kuha, masakit nga lang sa likod talaga (palibhasa oldie na).
*Today’s theme is kinda hard. I remembered having used copper wires during the construction of our house. So I came down to the store room to get some. I can’t find any, maybe they threw it away already. Good thing I remember buying a cocktail ring (i don’t know if this qualifies as one) which used copper wire. Problem solved. I took a few shots (so I will get used to my new P&S camera) which I posted here.

Posted by girlie on August 31, 2008
Ayaw! Ayaw! Ayaw! Ayoko mauso ang ganung klaseng ayos ng buhok (para bang buhok ni Amy Winehouse), parang taong grasa yung di naligo ng isang taon. Ganyan ang pakiramdam ko nung matapos kong lagyan ng henna ang aking buhok. Oo di lang sa tattoo ang gamit ng henna, pede din pangkulay ng buhok. Maganda gamitin, dahil nangingintab ang iyong buhok matapos kang maligo. Ikaw, kaya mong lumakad sa kalye na ganun ang itsura?
**No way I want that kind of hairdo! (like Amy’s) It looks like it has not been washed for a year. That’s how I felt after seeing myself in the mirror after applying henna color to my hair. You don’t only use henna for tattoos but for hair as well. Can you afford to walk the streets of metro sporting that hairstyle?

Posted by girlie on August 22, 2008
Hindi! Hindi ko minimithing matutong magyosi, dahil sa ako’y marunong na. Talaga yatang pinangarap ko na mag-yosi nung ako’y medyo bata bata pa, dahil naalala ko nung ako’y nasa 3rd year high school, ito ay sinubukan ko. Hindi ko sya nagustuhan kaya ito ay nahinto. Nabalik lamang ito nung ako’y mag-asawa na. Parati akong inuutusan magsindi, kaya ayun simula nun natuto na muli ako mag yosi. Ilang beses ko na rin binalak na huminto, pero ewan ko ba kung bakit after ng ilang linggo, eto na naman. Sa totoo lang, minimithi ko maging yosi-free. Teka, meron pa akong material na bagay na minimithi, makikita nyo sya dito.
**Nah, I don’t wish to learn because I already know how. I remember back in high school when I first learned how to smoke. I didn’t like it, so it was the first and the last. I got back to smoking when I got married. The hubs always requested me to light a cigarette for him. I’ve been secretly wishing to be cigarette-free, but everytime I quit, I get back to it after a few weeks.
Posted by girlie on August 16, 2008
Naku ipagpaumanhin nyo kung ako ay late sa pag post ng aking entries sa respective themes na “Ako or Parte Ko” at “Liwaliw”. Panay kasi ang liwaliw ko kaya wala halos oras mag post, siempre yung natitirang oras alam nyo na kung saan nakalaan yun, kelangan kumita eh. Yan ako, maniwala kayo sa hindi, first time ko makaapak ng Luneta at makapagpa picture kay Rizal, kaya naman tuwang tuwa ako nung ako’y nakapagliwaliw kasama ng iba pang litratista ng Litratong Pinoy. Siguro nabalitaan nyo na gaano kasaya ang EB na iyon. Isa lang masasabi ko, buti ako ay naging bahagi ng pagkikitang iyon.
Luneta ang aming huling pinagliwaliwan (ay tama ba ito). Nagsiuwian na yung iba dahil malalayo pa ang kanilang mga bahay, samantalang ang iba naman ay nagpunta ng MOA para mag dinner kabilang ako.
*Sorry for posting late, but here are my entries for the 2 suceeding themes. Believe it or not, it was my first time to set foot at Luneta and have my picture taken with Rizal (monument). This made me happy really plus the fact that I was able to spend time with the other members of Litratong Pinoy. By now you must have heard that everyone had fun that day, August 9, 2008. I’m glad I came.

Posted by girlie on July 31, 2008



Sadyang mahal na mahal ko ang dalampasigan. Pede akong mabuhay dito kahit ilang ulit ko pang sabihin na ako ay “city girl”. Sa tuwing isa-suggest ng aking kabiyak na sa probinsya kami manirahan kapag kami’y matanda na, isa lang ang aking sinasagot, di ako mabubuhay sa probinsya. Hindi naman sa kahit anu pa man, pero ayaw ko malalayo sa aking mga anak pagdating ng panahon. Isa rin sa mga rason ay ang kasanayang mamuhay sa siudad, siempre hahanap-hanapin ko ang simoy sa Malls, pano na ang pag-inom ko ng kape sa Starbucks? Pano na ang madalas kong pagpunta sa 168 at Divisoria? Pano na ang aking belly dancing (haha, dancing granny daw o)? Ang daming paano na di ko kaya pa i-give-up sa ngayon. Ngayon lang naman ito, kaya pagbigyan nyo nako. Malay mo pagdating ng panahon sa Tagaytay kami manirahan ng aking kabiyak, malapit lang naman yun sa Alabang, pede na din.
** I just love the beach. I keep on telling the hubs that I can’t live outside the city. Yes, I am a city girl. But then if he chooses to live by the sea (err a house near the sea would do, but just a stone’s throw away) I wouldn’t have a problem with it. (Aba iba yata ang naging translation) The reason why I don’t like to live outside the city is because of the kids. I don’t want to be away from them. Plus the fact that I am so used to the city life. I would miss the malls, starbucks, 168, Divisoria and what about belly dancing? But who knows when we’re old and gray, we would live in Tagaytay. That will do since it’s near Alabang.

Posted by girlie on July 17, 2008


Berde, naalala ko dati, naging paboritong kulay ko sya. Napakagandang kulay, malamig sa mata. Nakaka-relax. Nakita namin yang vintage car na yan nung ako’y unang nagpunta sa Eco Park. Agaw attention sya, dahil napakaganda nga naman, kami ay napahanga talaga sa sasakyang yan. Yung sumunod na litrato ay isang “pond” na punung-puno ng water lilies, panay berde, kakapiranggot ang de kulay na bulaklak. O di ba angat ang mga kulay kapag ang background ay berde? Yung panghuling litrato naman ay kuha sa hardin ng aking ina. Tuwing dadalaw ako sa kanya ng araw ng linggo, parati kong dala ang aking camera dahil sa ganda ng mga alaga nyang bulaklak.
**Green used to be my favorite color. I find it beautiful and soothing to the eye. I took a photo of that vintage car on my first trip to Eco Park. Almost everyone admired it including me, the hubs and Ish. The second pic is actually a pond covered with water lilies. Isn’t green a nice background? The last one is a photo I took when I visited Mom. We nornally visit her every Sunday and I always bring my camera with me. She really has a beautiful garden with different flowers in different colors.**

Posted by girlie on June 27, 2008
Kelangang kelagan na ang mga computers sa pag-aaral ngayon, nung panahon ko, typewritter lang, haha. Sa panahon ngayon, parang kelagan na ng internet sa pag-aaral, yan kasi ang bukam-bibig ng aking dalaginding, “Mom, I need to use the internet. I have assignment.” Eto naman ang lagi kong paalala sa kanya, NO Y!M ok? Haha, strikto daw ako. Kung kayo naman ay nagtatanong kung anong ginagawa ng napakakapal na html book na iyan, binili ko yan nung ako’y magstart mag blog nung 2004. Di ko kasi talaga matiis na di pakialaman ang design na gawa ng ibang tao. Kaya para maintindihan ko, ayan binili ko.
**Why is it that nowadays computers and internet is a must when one studies? (haha parang binago ko ah) During my time typewritter is all I need. But now that I am sending my own kids to school, seems like they need the internet everytime. My daughter would come to me asking permission if she can use the internet coz she has homework. Of course I allow her, but am constantly reminding her of the NO Y!M policy. How about the html book? I bought that when I first started blogging in 2004. I wasn’t contented with the pre-made designs I got from the internet. So to be able to do a little tweaking, I decided to buy that book.
Eto naman ang kelangan kong pag-aralan. Dahil kay KC, ako ay nahilig na din sa photography, isama na din natin ang kaibigan kong si Thess. Dahil sa encouragement nya tuwing kami ay nagcha-chat, naengganyo ako. Ironic ano, nag-a-assist ako sa asawa ko sa pagkuha ng mga litrato ng kasal, tapos eto ako wala man lang kahilig hilig.
**Now these are the books I need to study. Because of the friends KC and Thess, I was encouraged to play with my camera. Ironic that I assist the hubs with wedding photography, and yet I am not really interested in it. Thank goodness for friends who keep encouraging me to love Photography.
Posted by girlie on June 12, 2008
Sure ako, di lang ako ang nag-iisang mag post ng bandila ng Pilipinas. Naisip ko lang ito dahil sa sobrang amused ang anak kong lalaki nung nakakita sya ng bandila na nakalagay sa kotse. Aba siempre sinimulan ko na ang kwento ko. Naalala ko dati nung maliit pako (laking probinsya ako - Cotabato City), sa tuwina magse-celebrate ng Independence Day, parati kinakabit ng Tatay ko sa kotse namin ang munting bandera. Kinalakihan ko na ito, parang requirement yata sa lahat ng may sasakyan nung araw ang pagkabit ng bandila, kasi sabi nya huhulihin daw ng pulis kung walang bandila ang sasakyan. Di ko na din talaga inalam kung talagang naging law or city ordinance ito.
*I’m sure I am not the only one who will post a picture of the Philippine Flag. Seeing the amusement in my son’s face when he saw a Philippine Flag in one of the cars, I took the opportunity to narrate to him a story. I remember when I was growing up in Cotabato City, everytime Independence Day is celebrated, my Dad would always take out a flag and put it in the car. Until this day, I still believe that it was a requirement, and I still remember what Dad said about the police stopping cars without flags. I didn’t bother to know if this was a law or an ordinance.


E ano naman kinalaman ng mga singsing na iyan? Ay sakin malaki ang kinalaman nyan. Kasi sabi ng iba, pag ang isang tao ay lumagay sa tahimik, nawawala na ang kalayaan. Sa akin hindi. Siguro maswerte lang ako kasi mabait at maunawain ang napangasawa ko. Hindi sya yung tipo ng asawa na parang lahat na lamang ay bawal. Ako pa rin si ako, hindi binago ang pag-aasawa. Hindi nawala ang aking identity. Aking masasabi na di ako dependent sa kanya. Feel na feel ko ang “independence”. Teka nakakapagod na isalin sa Ingles…tutal naka 50 na salita na naman ako sa unang translation. LOL

Posted by girlie on June 5, 2008




Ipagpaumanhin nyo kung apat na litrato ang isinali ko. Kung inyo pong naitatanong, sideline ko kasi ang pagkuha ng litrato sa mga kasal. Assistant po ako ng aking asawa, at oo binabayaran din po nya ako ng profee, hehe. Nagkataon na naman na yung unang dalawang litrato ay kuha na naman sa Subic, pero sa Lighthouse naman. Ewan ko ba kung bakit peyborit ng mga brides ang Subic. Yung dalawang nahuhuli naman eh sa Tagaytay, isa din sa mga paboritong lugar ng mga brides.
**Pardon me if I included 4 photos. You see that is one of my sidelines. I work as an assistant to my hubby and yes I’m getting paid too. The first two photos were taken once again in Subic, but this time it’s in the Lighthouse. I don’t know why Subic is a favorite among our brides. The last 2 photos were taken in Tagaytay, another favorite place of the brides.

Posted by girlie on May 29, 2008


Kuha yang mga litratong yan nung nagkaron kami ng wedding coverage sa Subic Yacht Club. Nung nakita ko ang banderang yan, naalala ko agad ang LP. Aha, meron na akong file photo! Ang hangin ay hindi nakikita ngunit ito ay nararamdaman. Ito rin ang dahilan kung bakit nagwagayway (aba tama ba itong salitang ito) ang mga bandilang nasa itaas. Dadagdagan ko pa sana ang mga litratong yan, ngunit nakalimutan ko na maghu-Huwebes na pala, kaya di ko tuloy nakunan ang bandera ng Pilipinas na pinabili ng aking bunso nung kami ay lumabas. Ilalagay ko sana ito sa labas ng aming bahay, para na rin sa celebration ng Independence Day.
These photos were taken when we had a wedding coverage at Subic Yacht Club some time ago. When I saw those flags I immediately thought of LP. Hmm, file photo. Wind is the one causing the movement of the flags. It can’t be seen but only felt. I was supposed to add another photo of the Philippine Flag which my son asked me to buy. I forgot about the day totally so I was not able to take a picture.

Posted by girlie on May 22, 2008


Ewan ko kung mahuhulaan nyo yung unang litrato, para syang kurtina di ba? Sige na nga wag nyo nang hulaan at ako’y sabik ng sabihin sa inyo kung ano yan. Yan ang rainshower (ewan ko kung tama ang tawag ko dito) sa aming paliguan. Ang sarap ng bagsak ng tubig sa katawan lalo na’t kung ito’y iyong lalakasan.
Pagbigyan nyo na ako sa dalawang litrato na ipinasa ko. Nag-miss ako ng dalawang tema kaya ako’y bumabawi. Yan naman ang faucet sa paliguan pa rin namin. Black and white naman ang “feel” ko ngayon kasi ang pangit ng kuha ko. Heehee yun pala ang rason. At chaka kitang kita ang mga dumi kung di ko convert sa b&w. Uy hindi yung tubig ang madumi ha kundi yung fixtures, LOL (mamatay sa kakatawa).
**Kakatamad mag translate sa Ingles…hmp hayaan na nga ang mga produkto at serbisyo na ipinapakilala, minsan minsan lang naman ito.
Translation:
I don’t know if you can guess the first photo, it looks like a curtain right? I am already excited so I am not letting you guess anymore. That is the showerhead (rainshower) in our bathroom. The water feels good on the body especially if you turn the knob to full.
I hope you don’t mind me submitting two pictures for this week’s theme. I missed two Thursdays (2 themes). The second photo is the faucet in our bathroom still. I decided to turn the photos to b&w because the shots are a bit crappy. Plus the fact that the dirt is the fixtures are really visible, LOL.
Posted by girlie on May 1, 2008

Mga pamangkin ko sila. Dinadalaw namin sila tuwing Linggo. Yung unang litrato, pina emote ko si Hannah na kunwari malungkot sya. Hindi ako nahirapan kunan sya ng litrato. Nung turn na ni Chesca kunan, dahil ay sya ay 2 taong gulang pa lamang, di nya naintindihan yung malungkot. Binigyan nya ako ng malaking ngiti, ah di pede. Kelangan di ako magsasalita habang kinukuhan ko sya. Ayos, di ba malungkot ang kanyang mga mata?
*They’re my nieces, I get to see them every Sunday. In the first picture, I asked Hannah to give me a sad look. I didn’t have a hard time taking her picture. When it was Cheska’s turn, I asked her to give me a sad look, but instead she gave me a wide grin. Well she’s only 2 therefore she does not quite know the meaning of the word sad. I thought of a way to capture her in a sad mood. Hmmm, maybe I shouldn’t be talking too much. So there I was able to capture the sad eyes.
Posted by girlie on April 24, 2008

Para sa tema sa linggong ito na pahaba, ito ang napili kong kunan. Ito ay nasa labas ng simbahan sa Subic ngunit di ko napansin nung ako’y papasok, dahil siguro sa pagmamadali dahil medyo huli na sa oras nung kami ay dumating para sa isang wedding coverage. Medyo ginanahan kami mag-outdoor shoot ng bride and groom at nakalimutan namin ang oras. Ito ay gawa sa semento na hinaluan ng mga malalaking bato, napakaganda di ba? Dating gawi, may flash at walang flash pa rin ang drama ko, kay sarap talaga kumuha ng litrato.
(For this week’s theme which is rectangle (or anything that is long, depending on your interpretation), this is what I decided to photograph. It was located in front of the church but I actually didn’t notice it the moment I set foot at the church, probably because we were already late for the ceremony. We had a grand time taking outdoor shots of the couple that we all forgot about the time. This is made of cement with big stones added to it. Isn’t it a beauty? As usual, I went for flash and no flash, maybe for some drama. I really love taking pictures.)
Note: I find it funny to translate tagalog to english, it’s like translating it literally, harhar)

Posted by girlie on April 17, 2008

Yan ay isang lalagyan ng kandila na ginawa kong hawakan ng lapis at bolpen. Pero sa araw na ito, gagawin ko sya kung ano talaga sya. Mas maganda sa litrato eh. Yung unang larawan ay ginamitan ko ng flash, yan talaga ang kulay nya, samantalang walang flash naman at nasa ASA 800 yung pangalawa. Katulad ng dati, tinamad na naman ako gamitin yung Canon SLR ko, kaya Sony P&S nalang ginamit ko.
(That is a candle holder but I made it into a pencil/ballpen holder. Just for today, I’m making it what it really is, because the pictures will turn out more beautiful. I used flash in the first picture to show the true color, while I didn’t use flash on the second one using ASA 800. I am too lazy to use ng Canon SLR so I used my Sony P&S.

Posted by girlie on April 10, 2008

Trayanggol, O Trayanggol! Bakit ba wala akong makitang trayanggol sa paligid ko. Peks man, sumakit ang ulo ko sa kakahanap kung ano ang pede ko isali para sa linggong ito. Buti nalang nung nagbukas ako ng aking kahon, nakita ko ang mga “karlers” na ito. Aha, pede ko syang gawing trayanggol. Kaya ayan, dali dali ko kinunan para meron ako maisali para sa linggong ito.
Triangle, oh triangle! Why can’t I find anything with the shape of a triangle around me. I swear, I even had a headache looking for one so I can join this week’s theme. Good thing I opened my drawer, and I found my curlers. I can make it into a shape of the triangle. So there, I immediately took a photo so I can finally join this week’s theme.

Posted by girlie on April 3, 2008
Ang bilog na iyan ay dating gumagala sa lansangan ng MOA. Ngunit, subalit, datapwat, nang magsimulang gumamit ng “Obagi” ang may ari, eto ay napunta na lamang sa isa sa mga kwarto ng kanilang bahay. Paminsan minsan nalang nagagamit. Pero ngayon na nagdagdag ng timbang ang may-ari nito, ang gulong na iyan ay muling iikot.
Bilog ang tema para sa linggong ito. Kung gusto nyo sumali, paki-click nalang yung button. Ito ay open sa lahat ng mga pinoy na mahilig kumuha ng mga litrato.