subscribe to the RSS Feed

Monday, March 22, 2010

Kalikasan: 52nd Litratong Pinoy

Posted by girlie on March 4, 2010

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Gustong gusto namin ni Ish na nakakakita ng something green. Actually sya ang nag-aya samin na pumunta dyan sa Eco Park one fine Sunday. Malapit yan sa bahay ng aking Ina kaya hindi kami nagdalawang isip na pumunta. At least di na talaga sasadyain. Kapag nasa gitna ako ng “paraiso” nakakaramdam ako ng katahimikan. Talagang ina-appreciate ko ang kalikasan. Minsan kasi we take it for granted na. Hindi na tayo marunong mag-appreciate ng nature. Buti nalang kahit papano, nabibitbit ko pa ang mga anak ko sa mga ganitong klaseng lakad.

Husay: 51st Litratong Pinoy

Posted by girlie on February 28, 2010

Photobucket Aanhin ang mga knitting needles na yan kung hindi mahusay ang nagmamay-ari nyan (ahem). Oo may tinatago akong husay sa pag knit kasi sa youtube lang naman ako natuto at ito ay hit and miss. Tutorials here and there ang drama ko kapat di ko alam gawin ang mga stitches. Hanggang ngayon naman ganun pa rin ang drama ko. Sana pagdating ng panahon, lalo akong huhusay, yung tipong di ko na kelangan panoorin ang mga vids para magawa ko ang certain stitch na required. Haha may tagong husay nga naman ba? Eh bakit nangangailangan ng kodigo?

Batik/Mantsa: 50th Litratong Pinoy

Posted by girlie on February 18, 2010

Photobucket

Photobucket Ayayay! Tatanggapin pa kaya ako ni Ms. LP? Buwan ng Agosto 2009 pako huling lumahok at iyon ay ang aking pang 49th entry. Ganda ng aking pagbabalik di ba, pang 50th, sana golden na golden ang pagwe-welcome sakin.

Gustong gusto ko ang shorts na iyan dahil sya ay mukhang luma, gutay gutay at may mga mantsa ng pintura. Sadyang nung ibinili yan, ganun na talaga sya. Espesyal ang shorts na iyan dahil ang totoong nagma-may-ari nyan ay ang aking anak na lalaki. Matagal na hindi kasya sa kanya yan dahil sa sya ay palaki na ng palaki. At ako naman na palaki at palaki rin ang nakinabang sa shorts na iyan. kung ako ay dating size 0, ngayong ay hamak na size 6 lang naman, ang baboy ko na di ba? Ok lang kundi di ako magkakaron ng boyfriend shorts sa aking wardrobe.

Tanghalian: 49th Litratong Pinoy

Posted by girlie on August 13, 2009

Ako’y hiyang hiya at ang huli kong sali sa LP ay noong buwan pa ng Mayo, May 14 to be exact. Ms. LP salamat sa patience mo at salamat welcome pa din ako sa grupo kahit feeling prodigal talaga ako. Mabuti nalang nung nakausap ko si Ms. LP na ako’y magbabalik, ang sabi sakin, maganda ang tema natin, tanghalian, I’m sure meron ka na nyan sa files mo. Oo may mangilan ngilan akong food shots, pero mas pinili ko kunan ang ulam namin kaninang tanghali, sayang at di na mainit init, medyo nakalimutan ko na kelangan ko pala sya kunan.

Photobucket Bihira ko lang lutuin ang sweet and sour pork, ewan ko ba kung bakit di ko naiisip lutuin to, samantalang parati naman present ito pag kumakain kami ng chinese food.

Photobucket Eto naman ang special fried rice na parating request ng aking dalaga tuwing Huwebes. Siguro mga ilang buwan na rin nya request ang fried rice na ito, walang kasawa sawa, kaya wala din akong kasawa sawang lutuin ito para sa aking mga anak.

Tulay (Bridge) : 46th Litratong Pinoy

Posted by girlie on April 30, 2009

Photobucket Gandang ganda ako nung nakita ko ito. Dali dali kong kinunan ng litrato, yun nga lang ang ginamit ko ay ang camera phone ko, pano kelangan ko pa mag swimming sa bag ko para mahanap ko ang P&S ko. Naranasan nyo na ba yun? Yung tipong excited kang kunan ng litrato ang napakagandang tanawin, tapos hindi mo madampot dampot ang camera mo dahil ito ay nagtatago sa laki ng bag mo? Hay naku, lesson learned, kelangan parati nakalabas ang camera para madaling madampot (madampot mo at madampot ng kawatan, LOL).

Photobucket Photobucket

Hardin : 44th Litratong Pinoy

Posted by girlie on April 18, 2009

Photobucket Ito ang peyborit kong parte sa Forbidden City, Beijing. Kakaiba talaga sya nung makita ko. Napakaganda ng hardin. Meron pa ngang portion ang hardin na meron tanim na maninipis na bamboo, bigla kong naalala ang Kungfu Panda. Alam ko nakunan ko ito ng litrato ngunit di ko na mahanap, baka napindot at nabura.

Photobucket

Photobucket Nakakatuwang tignan ng mga bulaklak na ito. Nagkalat ang ganitong klaseng halaman sa mga lugar na aming napuntahan mapa Beijing or Shanghai man. Kung pede nga lang ako magtanim ng ganun klaseng bulaklak sa hardin ng aking Ina, gagawin ko. Instant favorite ko ang bulaklak na iyan. Tinanong ko sa tour guide kung ano ang tawag sa bulaklak na yan, ang tawag daw nila ay pink flower.

Sapatos : 43rd Litratong Pinoy

Posted by girlie on March 26, 2009

Photobucket Sapatos…sapatos…bakit nga ba napakarami kong sapatos? Hilig yata ito ng mga babae, ewan ko ba. Para din syang bag, di makontento sa iisa, kelangan if possible ka-match ng iyong sapatos, hhhmmm aminin! Aminado ako, madami akong sapatos, iba’t ibang kulay, pero madalas naka tsinelas lang naman ako at dahil sa hindi ako umaalis madalas ng bahay. Nasisira na nga ang suelas ng iba dahil nagiging marupok pala ito kapag di masyado nagagamit, kesehodang mamahalin pa sya.

Photobucket And sapatos na iyan ay isang bling ng selpon.  Madaling hulaan!  Nabili ko yan nung kami ay nanood ng Cinderella kasama ng anak kong si Ish.  Cute na cute talaga ako sa kanya kaya di ko napigilan bilhin.

Photobucket Pasensya na kung sobrang dami ng litrato, ginanahan lang akong kumuha, although dapat kaninang hapon ko pa ito ginawa para mas maganda ang kinalabasan. Yan tuloy, kinailangan ko pa syang i-auto correct dahil medyo di maganda ang ilaw at mauga ang kamay ko dahil sa mga DIY stuff na ginagawa ko.

Photobucket

Photobucket

Paboritong Alahas : 42nd Litratong Pinoy

Posted by girlie on March 19, 2009

Photobucket

Photobucket Ang cute di ba? Akalain mo bang singkwenta pesos lang ang presyo nyan! Nabili ko yan sa Divisoria, sa bangketa pa nga yata eh. Naging isa sa mga paborito kong alahas yan tuwing ako ay sumasayaw, uy hindi sa club ha, LOL. Belly dancing class ba. Minsan naman naisusuot ko yan pag meron kaming recital din. Sobrang gaan at hinding hindi mapupunit ang lobes ng tenga ko kahit napakalaki nyan.

Bag : 40th Litratong Pinoy

Posted by girlie on March 5, 2009

Photobucket Tila paborito yata ito ng aking dalaginding kasi di nya tinapon sa basurahan. Kung sabagay, maganda at cute nga ang smiley paper bag na ito. Kung sakin binigay yan, tiyak itatago ko din ito.

Photobucket O di ba? Ang galeng ng anak ko, may creativity tulad ng ina, hehe. Hindi itinapon ang native bag na ito, kundi pinakinabangan pa. O meron na naman smiley, peyborit nya yata ang smiley ah.

Photobucket Bags for sale!!! Uy di ah, ang sarap nila panoorin, di ko kasi gaano nagagamit dahil bihira lang naman ako lumabas. Pero ewan ko ba kung bakit di matigil tigil ang pagbili ko ng bags, babae kasi siguro. Pero swear matagal nako di bumili at kung ako’y bibili, di na yung mamahalin kasi naka-imbak lang naman, sayang ang moolah.

Bulaklak (Flower) : 39th Litratong Pinoy

Posted by girlie on February 26, 2009

Bulaklak : yan ang pinaka paborito kong subject…andami sa flickr account ko. Maswerte ako dahil sa yard lang ng Nanay ko ang daming litrato ko nang makukuha, in fact karamihan ng mga kuha ng bulaklak sa flickr account ko eh sa bahay ng Nanay ko. Nakakatuwang tignan ang mga bulaklak lalo na pag sabay sabay itong in full bloom. Di ko alam kung anong kulay ang una kong kuhanan. Sari saring posisyon na din ang aking naranasan para lang makakuha ng magandang anggulo.

Photobucket Nakakatuwa ang bulaklak na ito, kakaiba ang kanyang itsura, ang ganda pa ng kulay. Di ko nga lang alam ang pangalan.

Photobucket Aba parang na she loves me, she loves me not ang bulaklak na ito.  Bakit nga ba nakulangan ng petals ito, sadya bang ganito o sinadya?  Uy wala akong kinalaman dyan ha, basta nakita ko nalang na kulang yan.

Photobucket Ang rosas bow! Parang ito yata ang universal flower ng mga lalaking nanliligaw. Parang lahat ng mga bulaklak na natanggap ko ay rosas, iba’t-ibang kulay nga lang. Uy dati yun ha, nung wala pa akong asawa, hehe nililinaw ko lang.

Tipanan (Date) : 38th Litratong Pinoy

Posted by girlie on February 19, 2009

Photobucket Photobucket

Photobucket Photobucket

Ano ang pinagsimulan ng ganitong scenario? Alam nating lahat na ito ay nagsimula sa simpleng tipanan or date. Kung ilan, di natin alam. Ang alam ko yung sakin ay limitado lamang ang mga tipanan dahil sa sandali lang naman ako engaged, di man lang inabot ng isang taon, haha. Napakagandang isipin na ang tipanan na ito ay nauwi sa isang panghabang-buhay na pagsasama, eto baga ang pinaka final at ang nagsi-seal sa kanilang makailang beses na tipanan. Naniniwala ako na di dapat magtapos ang tipanan ng magsing-irog pagtapos makasal, ito ay dapat tuloy tuloy para masaya at romantiko ang buhay buhay.

Puso (Heart) : 37th Litratong Pinoy

Posted by girlie on February 14, 2009

Photobucket Parang isa syang bulaklak na hugis puso…pero teka dahon ata ito ah. Oo dahon nga, pero ang nakakapagtaka bakit ito ay nagiging kulay puti?  Hindi lahat ng dahon nya ay ganito, ako’y litong litong, ito ba talaga ay isa pang uri ng bulaklak or sya’y dahon.  Ah ewan, eto alam ko pusong puso ang dating, yan ang susunod na litratong makikita nyo.

Photobucket Photobucket

Dalawin at tignan nyo ang ibang lahok ng kapwa ko litratista…click nyo yung button after nito.

Tsokolate (Chocolate) : 36th Litratong Pinoy

Posted by girlie on February 5, 2009

Photobucket

Photobucket Kinalakihan ko na ang curly tops na yan (iniba na pala nila ang packaging, wala ng papel). Naalala ko nung maliit pa kami, yan parati ang prize ng Nanay ko kapag ka naubos namin ang aming pagkain, o di kaya pag kumain kami ng gulay. Meron pang isang tsokolate na peyborit ko din, pero parang wala na yatang tinda. Eto yung Serg’s Chocolate. Tatlong brands ang premyo naming magkakapatid, isama na natin ang Van Houten. Ina-alternate ng bigay ng aming Nanay yan. Kaya kahit na masuka suka na ako ubusin ang gulay, talagang pinipilit ko dahil lang sa mga tsokolate na iyan.

Photobucket Ok, fast forward na tayo. Yan ngayon ang isa sa mga peyborit ko, and coated kisses at siempre ang walang kamatayang M&Ms. Kahit na magkasugat sugat ang aking dila, di ko yan titigilan hanggang di nauubos.

Photobucket Ang aking paborito, then and now.

Lila (Violet) : 35th Litratong Pinoy

Posted by girlie on January 29, 2009

Photobucket Ang paboritong headband ng aking dalaginding at ang paborito kong beaded necklace.

Photobucket Mga bato sa iba’t-ibang shapes at color lila.

Photobucket Ang Lila ay isa sa mga poborito kong kulay (Violet is one of my favorite colors). Medyo di ako nahirapan sa tema ngayong linggo ngunit nakalimutan kong sumilip kung ano ang tema para sa linggong ito, kaya heto medyo huli ang entry ko (I didn’t find theme hard, but I forgot to take a peek at the website to know the current theme, thus I’m kinda late in posting). Nahilig ako sa mga beads kaya yan ang napili kong kunan. Nagkaron pa nga ako ng bisnes nung araw at nakabenta naman ako ng madami, umabot pa hanggang US ang aking beadworks (I was once into beads in fact I was able to put up a small business selling my beadworks, sales even reached the US).

Kahel (Orange) : 34th Litratong Pinoy

Posted by girlie on January 22, 2009

Photobucket Ang ganda di ba? (Isn’t it a beauty?) Kuha yan sa garden ng aking Nanay, napakadami nyang bulaklak dun, sari saring kulay, pero napansin ko parang dalawa lamang ang kulay kahel. (That was from my Mom’s garden. She has a lot of flowers in different colors. But there were only 2 orange flowers). Nakaka catch sya ng attention dahil sa kakaibang kulay na naiiba. (It will never fail to catch your attention because of it’s color) Sa garden ng aking ina ako nagsawa kumuha ng mga litrato ng sari saring bulaklak at sari saring tuwad na din ang naranasan ko para lang makakuha ng magandang anggulo…ah eh maganda nga ba? (parang ang hirap isalin sa english, wag na nga)

Photobucket

Photobucket

Asul (Blue) : 33rd Litratong Pinoy

Posted by girlie on January 15, 2009

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Heehee, hindi ako ganado kumuha ng litrato ano? Basta bigla ko nalang naisip ang mga bagay na yan na kulay asul. Habang nasa mood pa, kelangan click ng click.

Pula (Red) : 32nd Litratong Pinoy

Posted by girlie on January 9, 2009

Photobucket Tamang tama pala ang craving ko ng noodles kahapon. Niyaya ko si N para kumain kami ng noodles dun. Natuwa ako sa kulay ng bowl, kaya kinunan ko ng litrato. Ang ganda against the epol green tabletop.  Pero parang di lumabas na maganda sa litrato, hmp di bale na nga, nakakatamad kaya magbibit ng malaking camera.  Nagpapasalamat naman ako sa aking esposo dahil parati nya akong pinagbibigyan kung ano man ang mga cravings na naiisip ko.  Mabuti nalang madaming kainan sa paligid namin, di na kelangan mag drive ng malayo (basta provided karamihan ng cravings eh chinese food ha).

Photobucket

Karoling : 31st Litratong Pinoy

Posted by girlie on December 21, 2008

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Sayang walang live na karoling, pano ba naman walang gustong mangaroling sa bahay namin, kasi di sila maririnig at di rin mapapansin. Hindi concentration camp ang bahay namin ha, pero sa iilang butas lamang makikita kung anong nangyayari sa labas. Haha mala concentration camp yata. Kaya eto, yang mga anghel na decor na lamang ang aking lahok, itsurang kumakanta naman sila ng christmas carols di ba?

Photobucket Makakakuha na sana ako ng litrato ng mga batang nangangaroling sa mall na iyan (Shangri-la Mall), pero eksakto naman ng makababa ako sa unang palapag, sya naman nagpalakpakan ang mga tao, exit na ang mga bata, sayang, sana tinakbo ko nalang pababa kesa sumakay ako ng escalator. Nasa 5th floor nga pala ako nung narinig kong may nagkakanta ng christmas carols.

Mahalagang Regalo : 30th Litratong Pinoy

Posted by girlie on December 11, 2008

Photobucket Sila ang pinakamahalagang regalong matatanggap ko sa panghabang buhay. Sila ang nagbibigay ligaya tuwing ako ay malungkot. Hinahanap-hanap ko sila kapag sila ay nag-o-overnight sa bahay ng kanilang Lolo at Lola. Dadalwa lang yan, pero parang ang dami kong anak pag sila ay nasa bahay. Pag sila’y wala, sobrang tahimik ang aming pamamahay na tila meron kulang.

Photobucket Walang makatatapat na kahit anong materyal na bagay dito sa pinakamahalagang regalong natanggap ko. Salamat Lord at ako’y nabiyayaan mo ng maganda at pogi at mababait na anak. Wala na akong mahihiling pa!

Eksayted! : 29th Litratong Pinoy

Posted by girlie on December 4, 2008

Photobucket

Photobucket

Kung alam nyo lang kung gaano ako ka-excited nung nalaman ko na sa halagang 16,000 pesos ay magkakaron ako ng iPhone. Matagal ko na pinangarap magkaron ng iPhone pero parang di ko ma-afford. Pero nungka, nabilihan ko ang aking dalaginding ng iPhone 2g nung nagbakasyon sya sa Amerika nung Abril. Ganun yata tayong mga magulang eh, kung para sa mga anak parang di tayo nagdadalawang isip, pero pag para sa sarili natin, bigla tayong nangunguripot.

Parang gusto ko na ibato ang iPhone na yan nung unang gamit ko lalo na ma-text akong tao. Isa pa, kinailangan kong bawasan ang aking kuko dahil sumasabit sya. Feeling ko super laki ng mga daliri ko para sa iPhone nato kaya medyo frustrating pa. Namroblema din ako sa mga applications. Aba anong malay ko dyan, ang alam ko lang naman ay mag-blog at mag plurk, hehe. Hindi rin naman ako maturuan ng aking asawa at anak na babae dahil sila ay mac users so halos hindi nila alam pano gumamit ng pc. Naging kaibigan ko si google at sa awa naman ng Diyos nakapag setup ako ng iTunes at nakapag open ng account sa kanila. So far ako ay nag-eenjoy sa pag gamit, nakapaglagay na din ako ng applications, nakapaglipat ng mga kanta at mga litrato.

*Naalala kong bigla ang aking O2 mini, ganung-ganon ang itsura, pati yung pink na silicone.

Madumi : 28th Litratong Pinoy

Posted by girlie on November 26, 2008

Photobucket Hay naku, huli na naman ako. Buti nalang mabait si Ms. LP at pumapayag sya ng mga late entries. Anubayan, dapat nasa pagwawagi tema na ako ngayon, pero madumi tema pa lang ang ipo-post ko. Sensya na ha, busy(bisihan) lang lately.  Pero ano sa tingin nyo?  Ito bang tubig na nanggagaling sa mga fountains na yan malinis?  Feeling ko hindi, kaya kahit gusto ko man magtampisaw, di ko magawa, baka ako’y mangati, wag na.  Ang mahal kaya magpa derma ngayon.

Rich Cocoa : 27th Litratong Pinoy

Posted by girlie on November 19, 2008

Photobucket

Photobucket

Naalala ko nung bata pa kaming magkakapatid, parati kami pinapainom ng aming Nanay nito. Natuto din akong gumawa nito sa murang edad, mga 9 years old yata ako (mura na ba yun?). Sobrang na-miss ko ang inuming ito at naalala ko nalang ito muli nung umorder ang aking nakakatandang kapatid sa America. “Girl, padalhan mo naman ako ng tablea.” Ang type nya ay yung gawa sa Alfonso, Cavite pero ang layo naman nun kaya binilihan ko nalang sya sa grocery, yung Antonio Pueo. Masarap naman sya, kaso medyo may kamahalan ng konte, eh 4 kami ang umiinom nito, aba baka mabutas na ang bulsa ko. Yung vid editor namin tiga Batangas. Tinanong ko kung meron sa kanila gumagawa ng tablea yung walang asukal. Bingo! meron daw, so nagpabili ako sa kanya. Sa aking opinyon, mas masarap sya kesa sa Pueo at parang mas rich kasi lumilitaw ang mantika sa babaw ng inumin. Tinutunaw din pala namin ito at hinahaluan ng gatas tapos nilalagay sa biko (japanese sticky rice) ayong sa mga anak ko. Peyborit nila ito. Hindi mahilig ang mga anak ko sa kakanin or kahit na anong native na delicacy, pero hit na hit ang biko sa kanila dahil sa tableang ito.

Maalala Mo Kaya : 26th Litratong Pinoy

Posted by girlie on November 7, 2008

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Do you still remember these old camera reels? I don’t but I’ve watched old movies probably using one of these camera reels. I actually saw that outside our favorite cinema (Promenade). I’ve attempted a lot of times to take a picture, but is always scared that my P&S camera gets confiscated. Cameras are not allowed inside the cinema when found. Perfect timing, Kristene and Oyo Boy were within the vicinity so all eyes were on them including the theater ticket girls. I took out my camera and voila I’m posting it here.

Naalala nyo ba ito? Ako hindi, dahil hindi ko naman nakikita yan, pero nakapanood ako ng mga lumang pelikula na siguro yan ang nagpapatakbo. Ilang beses ko na inattempt kunan yan ng litrato sa Promenade, pero natatakot ako na ma-chang (chinese word for confiscate, hehe) and camera ko kasi bawal naman talaga magdala ng camera sa look ng sinehan. Buti nalang andun sina Kristene at Oyo Boy, so lahat nakatingin sa kanila, o di ba napakagandang oportunidad kunan ng litrato ang mga camera reel na iyan?

Kadiliman : 25th Litratong Pinoy

Posted by girlie on October 31, 2008

Photobucket

Photobucket

Photobucket

O di ba ang gaganda tignan ng mga umiilaw na bagay sa dilim? Isa yan sa paborito kong kunan pero madalas di ako masyadong successful, palibhasa hindi ko pa masyadong naintindihan ang photography. Hit and miss ika nga sa exposure. Kadalasan para mapalabas ng maganda ang mga litratong ganun, steady dapat ang pulso mo o di kaya kelangan naka tripod ka. Pasmado pa naman ako. But I’m glad kahit walang tripod at pasmado ok ang kuha ko nung gabing iyon. Kuha sa Greenhills yan, paborito ng mga anak ko ang McDo (sana kahit malaki na sila peyborit pa din nila para tipid, hehe). Pumuesto ako sa may bandang Krispy Kreme para makunan ko ang litratong yan. Yung sa Promenade naman, on the way kami sa parking nung kinunan ko.

Liwanag : 24th Litratong Pinoy

Posted by girlie on October 23, 2008

Photobucket Yan ang nagbibigay liwanag sakin pag ako ay nagmamaneho sa gabi. Maliit ang aking sasakyan kaya kailangan kabitan ng madaming ilaw, baka di ako mapansin ng mga ibang sasakyan. Minsan nakakabulag ito sa ibang kasalubong ko, kaya ino-off ko ang isa sa kanila kung maalala ko, hehe.

*I drive with 3 sets of headlights at night. I own a small SUV and the hubs decided to put 3 sets of lights so other drivers will take notice of my not so mall vehicle. I normally turn 1 set off so others will not get blinded by my headlights.

Photobucket Eto ang aking minamanehong sasakyan. Cool di ba? Aba dapat ko panindigan ang pagiging hipncoolmomma ko. Nanalo na yan minsan sa isang show, third place.

*That’s the car I’m driving. Isn’t it cool, well just like me the hipncoolmomma. I’m proud to say that that car won third place in one of the car shows we joined.

Related Posts with Thumbnails