subscribe to the RSS Feed

Friday, May 25, 2012

Tsokolate (Chocolate) : 36th Litratong Pinoy

Posted by girlie on February 5, 2009

Photobucket

Photobucket Kinalakihan ko na ang curly tops na yan (iniba na pala nila ang packaging, wala ng papel). Naalala ko nung maliit pa kami, yan parati ang prize ng Nanay ko kapag ka naubos namin ang aming pagkain, o di kaya pag kumain kami ng gulay. Meron pang isang tsokolate na peyborit ko din, pero parang wala na yatang tinda. Eto yung Serg’s Chocolate. Tatlong brands ang premyo naming magkakapatid, isama na natin ang Van Houten. Ina-alternate ng bigay ng aming Nanay yan. Kaya kahit na masuka suka na ako ubusin ang gulay, talagang pinipilit ko dahil lang sa mga tsokolate na iyan.

Photobucket Ok, fast forward na tayo. Yan ngayon ang isa sa mga peyborit ko, and coated kisses at siempre ang walang kamatayang M&Ms. Kahit na magkasugat sugat ang aking dila, di ko yan titigilan hanggang di nauubos.

Photobucket Ang aking paborito, then and now.

Related Posts with Thumbnails