Hardin : 44th Litratong Pinoy
Posted by girlie on April 18, 2009
Ito ang peyborit kong parte sa Forbidden City, Beijing. Kakaiba talaga sya nung makita ko. Napakaganda ng hardin. Meron pa ngang portion ang hardin na meron tanim na maninipis na bamboo, bigla kong naalala ang Kungfu Panda. Alam ko nakunan ko ito ng litrato ngunit di ko na mahanap, baka napindot at nabura.
Nakakatuwang tignan ng mga bulaklak na ito. Nagkalat ang ganitong klaseng halaman sa mga lugar na aming napuntahan mapa Beijing or Shanghai man. Kung pede nga lang ako magtanim ng ganun klaseng bulaklak sa hardin ng aking Ina, gagawin ko. Instant favorite ko ang bulaklak na iyan. Tinanong ko sa tour guide kung ano ang tawag sa bulaklak na yan, ang tawag daw nila ay pink flower.





Hi! Call me
! Welcome to my blog! Feel free to comment. Enjoy your stay! Special thanks to 









iska said,
totoo yan… magaganda talaga ang mga hardin sa Beijing. ako man ay mga litrato sa lugar na ito ang entry
pehpot said,
saktong sakto ang pangalan ng bulaklak ah.. pink flower.. i like it!
Narito po ang aking hardin
Make or Break
Add A Comment