Tsokolate (Chocolate) : 36th Litratong Pinoy
Posted by girlie on February 5, 2009
Kinalakihan ko na ang curly tops na yan (iniba na pala nila ang packaging, wala ng papel). Naalala ko nung maliit pa kami, yan parati ang prize ng Nanay ko kapag ka naubos namin ang aming pagkain, o di kaya pag kumain kami ng gulay. Meron pang isang tsokolate na peyborit ko din, pero parang wala na yatang tinda. Eto yung Serg’s Chocolate. Tatlong brands ang premyo naming magkakapatid, isama na natin ang Van Houten. Ina-alternate ng bigay ng aming Nanay yan. Kaya kahit na masuka suka na ako ubusin ang gulay, talagang pinipilit ko dahil lang sa mga tsokolate na iyan.
Ok, fast forward na tayo. Yan ngayon ang isa sa mga peyborit ko, and coated kisses at siempre ang walang kamatayang M&Ms. Kahit na magkasugat sugat ang aking dila, di ko yan titigilan hanggang di nauubos.
Ang aking paborito, then and now.





Hi! Call me
! Welcome to my blog! Feel free to comment. Enjoy your stay! Special thanks to 









somethingpurple said,
paborito ko ang curly tops!
jeanny said,
ganyan na pla packaging ng curly tops. Sarap nyan!
Happy LP
Rach (Heart of Rachel) said,
I love Curly Tops. I bought a box two weeks ago and ate one a day … I kept the box all to myself.
Jay said,
wow ang sarap pa hingi
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista

Salamat sa pagbisita
Lynn said,
OO nga iba na ang packaging ng curly tops sa loob. Paborito ko rin yan noon. Pero ang box n’ya same pa rin.
jes said,
hi! oo kanya kanya silang dampot ng tsokolate ehehehe =) ang saya nila ehehhe =)
actually ung M&m lng pinakain ko at yung chizcurls ahaha ako lahat kumain ng cudbury and everything ehhehe =)
pining said,
curly tops…the best choclet, ever
JO said,
hay naku, parang nag-craving tuloy ako ng tsokolate sa LP natin ngayon.
Mayet said,
naku!naalala ko tuloy ang aking kabataan he-he-he! bago na pala ang packaging ng curly tops.
Gmirage said,
Yaaay!!! Curly tops are the best!!! Kakamiss, happy lp!
DhoyM said,
Miss ko na ang curly tops, parang kelan lang nag-aagawan kami ng kaklase ko para lang matikman ang matamis na lasa ng tsokolateng pinoy. Sarap naman namnamin at alalahanin ng kahapon.
libay said,
na miss ko naman bigla ang curly tops… ang tagal ko na palang di nakakakain nyan
Shuttercow said,
Miss ko na ang curly tops! hehe
Marites said,
paboritong pasalubong sa akin ng nanay ko noon ang curly tops. iba na pala ang balat niya ano. Matikman ngang muli.
yeye said,
curly tops. ehehehe. soooo nostalgic ahahaha
HAPPY LP
jetty said,
Happy Sweets Month!
ate marie said,
Ako naman chocnut lang pwede na, uy di ko pa natitikman yang coated kisses na yan. Maka hanap nga.
toni said,
paborito ko din ang curly tops! at oo nga ano, wala na yung serg. sarap din non ah!
komski said,
curly tops na ata ang pinakasosyal na tsokolate nung bata ako, hehehe:P na tipong pang special occasion lang:P
chinkygirlmel said,
Hey there! i love curly tops. isa yan sa mga favorite chocolates ko. =)
Jules T E said,
wow perfect combi! apir tayo may curly tops din ako
happy weekend!
teys said,
yan ang peyborit kong tsokoleyt - curly tops saka flat tops saka tsoknat! puede na din ang kisses
iba na pala ang packaging ng curly tops noh?
hapi lp!
Pinky said,
Wow, Curly Tops! Fave ko rin yan noong bata pa ako - lagi kasing binibili yan ng Lolo ko dati tuwing mag-grocery kami. Kaya lang, habang tumatagal e parang nawawala na ang “curls” niya at parang naging Flat Tops (another favorite) na - hahaha!
iska said,
Naku, parating meron nyan sa amin dahil paborito ng anak ko. Ako kasi Flat Tops ang mas gusto ko. Pero all-time fave ko ang M&Ms sa lahat ng milk chocolate.
iRonnie said,
isa sa paborito ko noong bata pa ako yang curly tops kasama ng serg’s at goya.
kanina nakatikim naman ako ng cadbury na creme brule at ang sarap pala non!
maligayang huwebes!
shiera said,
waaahh.. miss ko na ang curly tops!
ces said,
sakin nlang ang curly tops! pero gusto ko rin yang klase ng mnm’s kisses na yan, kc maliit lang and crunchy:)
Munchkin Mommy said,
paborito ko ‘yan noong bata pa ako! ganiyan na pala ngayon ang packaging ng curly tops. hindi na yung nakalagay sa individual paper cups.
babie said,
ang sarap ng curly tops!
maligayang lp!
Add A Comment