subscribe to the RSS Feed

Thursday, February 9, 2012

Eksayted! : 29th Litratong Pinoy

Posted by girlie on December 4, 2008

Photobucket

Photobucket

Kung alam nyo lang kung gaano ako ka-excited nung nalaman ko na sa halagang 16,000 pesos ay magkakaron ako ng iPhone. Matagal ko na pinangarap magkaron ng iPhone pero parang di ko ma-afford. Pero nungka, nabilihan ko ang aking dalaginding ng iPhone 2g nung nagbakasyon sya sa Amerika nung Abril. Ganun yata tayong mga magulang eh, kung para sa mga anak parang di tayo nagdadalawang isip, pero pag para sa sarili natin, bigla tayong nangunguripot.

Parang gusto ko na ibato ang iPhone na yan nung unang gamit ko lalo na ma-text akong tao. Isa pa, kinailangan kong bawasan ang aking kuko dahil sumasabit sya. Feeling ko super laki ng mga daliri ko para sa iPhone nato kaya medyo frustrating pa. Namroblema din ako sa mga applications. Aba anong malay ko dyan, ang alam ko lang naman ay mag-blog at mag plurk, hehe. Hindi rin naman ako maturuan ng aking asawa at anak na babae dahil sila ay mac users so halos hindi nila alam pano gumamit ng pc. Naging kaibigan ko si google at sa awa naman ng Diyos nakapag setup ako ng iTunes at nakapag open ng account sa kanila. So far ako ay nag-eenjoy sa pag gamit, nakapaglagay na din ako ng applications, nakapaglipat ng mga kanta at mga litrato.

*Naalala kong bigla ang aking O2 mini, ganung-ganon ang itsura, pati yung pink na silicone.

Related Posts with Thumbnails

  • kc said,

    Oh my! Woohoo! She looks lovely from here momma! :D

  • jeanny said,

    wow super hip and cool….bagay!!!1

    jeanny’s last blog post..Simple Joys

  • Pinky said,

    Grabe - todo na ang pagka-”techie” mo, Girlie! Kung ako yan, baka imbes na excitement e hilo ang abutin ko - hahaha!

    Pinky’s last blog post..LP #36: Excited!

  • spiCes said,

    congrats ulit G! d bale masasanay ka rin! hehe!

    spiCes’s last blog post..Litrato: eksayted [excited]

  • Raquel said,

    Hi Girlie, ganyan na ata tayong mga blogging addict, wala ng pakiaalm sa ibang technology. As long as may computer at makapag blogging ay ok na. Ganda ng phone ah. I like the pink. Meron akong LG, sa umpisa nahihirapan ako but after I cut my finger nails, ayun nakapag pindot na rin. he-he. Btw, mukhang delikado mag txt kahit saan baka nanakawin yan. Kakatakot…

    Raquel’s last blog post..Life Being a SAHM

  • Em Dy said,

    Ganyan din ng narinig ko sa ibang bagong gumagamit ng iPhone. Ang excitement naging frustration. Ha ha ha. Happy weekend!

    Em Dy’s last blog post..Lipad

  • RoseLLe said,

    hay! buti na lang at nabasa ko itong post mo…mukhang di nga bagay din sa akin yan hi-tech ‘toy’ na yan. iba na lang siguro ang bibilhin ko..hehe!

    RoseLLe’s last blog post..Hunting To Go

  • nina said,

    yong asawa ko, sobrang excited din sa iphone na yan. hindi mapakali kaya ayun, kahit mahal binili nya.

  • Munchkin Mommy said,

    naku, san napunta yung comment ko? pangalawang try ko na ito. haha.

    nakakaexcite talaga pag mayroong bagong laruan! ako naman, hindi na masyadong updated sa mga bagong modelo ng telepono. bihira na kasi ako ngayong magtext at tumawag gamit ang cellphone. :)
    Munchkin Mommy’s last blog post..Busy Bees

Add A Comment

home | top