subscribe to the RSS Feed

Friday, May 25, 2012

Rich Cocoa : 27th Litratong Pinoy

Posted by girlie on November 19, 2008

Photobucket

Photobucket

Naalala ko nung bata pa kaming magkakapatid, parati kami pinapainom ng aming Nanay nito. Natuto din akong gumawa nito sa murang edad, mga 9 years old yata ako (mura na ba yun?). Sobrang na-miss ko ang inuming ito at naalala ko nalang ito muli nung umorder ang aking nakakatandang kapatid sa America. “Girl, padalhan mo naman ako ng tablea.” Ang type nya ay yung gawa sa Alfonso, Cavite pero ang layo naman nun kaya binilihan ko nalang sya sa grocery, yung Antonio Pueo. Masarap naman sya, kaso medyo may kamahalan ng konte, eh 4 kami ang umiinom nito, aba baka mabutas na ang bulsa ko. Yung vid editor namin tiga Batangas. Tinanong ko kung meron sa kanila gumagawa ng tablea yung walang asukal. Bingo! meron daw, so nagpabili ako sa kanya. Sa aking opinyon, mas masarap sya kesa sa Pueo at parang mas rich kasi lumilitaw ang mantika sa babaw ng inumin. Tinutunaw din pala namin ito at hinahaluan ng gatas tapos nilalagay sa biko (japanese sticky rice) ayong sa mga anak ko. Peyborit nila ito. Hindi mahilig ang mga anak ko sa kakanin or kahit na anong native na delicacy, pero hit na hit ang biko sa kanila dahil sa tableang ito.

Related Posts with Thumbnails

  • spiCes said,

    wow, talga? ano naman tatak nyan? peborit din ng mga anak ko ito ngayon..hubby puts peanut butter for a richer taste and texture!:)

    spiCes’s last blog post..inside St. Patrick’s Cathedral

  • girlie said,

    Ces tatakbuhin, hehe, generic lang. As in naka roll lang sa bond paper, la man lang presentation, pero in fairness masarap talaga

  • Rach (Heart of Rachel) said,

    My hubby likes making this drink too. He often buys tablea from his friend (whose family makes tablea).

    Rach (Heart of Rachel)’s last blog post..Wordless Wednesday #43

  • FRANCINE said,

    wow, tsarap naman nito te girlie.namiss ko tuloy to

    FRANCINE’s last blog post..Stuffed Grilled Squid

  • marites1034 said,

    naging adik kami nitong tsokolate, natigil lang nang nagkaroon ng hypertension ang mga magulang ko. Kami rin ang nagluto at gumiling ng tsokolate..tsarap!! na0miss ko tuloy ito, sobra!

  • Thess said,

    Hindi pa ako nakakatikim nyan Girlie, ever! Puro powder lang nakikita ko na ginagamit ng abuela at mga tiya ko eh… mukhang masarap nga, ituro mo sa akin kung saan ako makakabili pag uwi ko ha?

    Thess’s last blog post..Taking care of old folks

Add A Comment

home | top