Kadiliman : 25th Litratong Pinoy
Posted by girlie on October 31, 2008
O di ba ang gaganda tignan ng mga umiilaw na bagay sa dilim? Isa yan sa paborito kong kunan pero madalas di ako masyadong successful, palibhasa hindi ko pa masyadong naintindihan ang photography. Hit and miss ika nga sa exposure. Kadalasan para mapalabas ng maganda ang mga litratong ganun, steady dapat ang pulso mo o di kaya kelangan naka tripod ka. Pasmado pa naman ako. But I’m glad kahit walang tripod at pasmado ok ang kuha ko nung gabing iyon. Kuha sa Greenhills yan, paborito ng mga anak ko ang McDo (sana kahit malaki na sila peyborit pa din nila para tipid, hehe). Pumuesto ako sa may bandang Krispy Kreme para makunan ko ang litratong yan. Yung sa Promenade naman, on the way kami sa parking nung kinunan ko.







Hi! Call me
! Welcome to my blog! Feel free to comment. Enjoy your stay! Special thanks to 









Thess said,
naku tita G, pareho tayo na ang waterloo ay nightshots, nginig ako talaga at kahit may IS ang lenses ko, wa epek ha ha!!
hala bigla ko na miss ang Greenhills tuloy!
*sana makalusot itong comment ko, kundi magwewelga na ako!*
Thess’s last blog post..At Wat Po
Rach (Heart of Rachel) said,
Great night shots. This reminds me to head to McDO this weekend to get the new Madagascar Happy Meal toys.
Rach (Heart of Rachel)’s last blog post..Aloha Friday #47
tanchi said,
dumadaan dito ka-litratista..:)
dami nga tlgang naaalala sa tuwing makakakita ako ng mcdo
ung kabataan ko:)
-magandang konsepto:)
keep8up
Add A Comment