Luma (Old) : 22nd Litratong Pinoy
Posted by girlie on October 9, 2008
Meron kayo nyan? Sa lahat ng gadgets na dumaan sa kamay ko, parang ito nalang ang katangi-tanging naitago ko. Di ko na talaga maalala kelan ko nabili yan, parang 1995 yata, aba mahigit 10 taon na pala. Ewan ko kung bakit naitago ko, at ewan ko din kung gumagana pa sya, malamang hindi na dahil nagtae na ang baterya nyan. Parang di ko yata naalala tanggalan ng baterya nung ito’y itinago ko. Teka check ko nga, baka sakali pede pa mapakinabangan…ay 32 kb ano ba kasya ba talaga? Obvious ba na talagang lumang luma na ito.
*Do you have that? Among all the gadgets that I owned, seems like this is the only one I’ve kept. I don’t remember when I bought it, maybe in 1995? I’m not even sure if it still works, but more on not, because I forgot to take out the batteries. Now let me see…maybe I can still use it…but 32 kb, dang it’s old.
Di ko alam kung ano ang tawag dyan, basta nakita namin sa antique shop yan. Madidismaya ka kung ito’y una mong makita, as in naghiwa-hiwalay na sila. Nakuha daw yan dun sa tinibag na lumang bahay nung taong 1930s. Ewan how true, pero halatang halata naman ang kalumaan nya. Ni-restore nalang namin yan para mapakinabangan sa aming tahanan. Maganda ang naging resulta nung ito’y aming kinabit, magandang accent sya para sa bahay. Meron pa sana akong isang litrato, antique na cabinet naman, 1946 pa daw sabi ng kapitbahay namin. Ibinenta samin sa kadahilanang sobrang bigat daw ito at lumulundo na ang floor nila. Buti nalang samin nilang inisip ibenta. Mahilig ang aking esposo sa mga lumang bagay, kasama na ako, haha. Starring na naman ang aking Christmas tree, hehe ito ay pinagmamalaki ko talaga, dahil sa tanang buhay ko bilang misis, ngayon lang ako nagkaron ng ganung kagandang tree.
*I don’t know what it’s called, we saw it in one of the antique shops. You wouldn’t think of buying it because of it’s condition…it was falling apart already. The shop owner told us that they got that from a very old house probably in the 30s. I don’t know how true, but maybe yes, it looks that old already. We had to restore it so we can put it in the house. It gave a nice accent and made our house more beautiful. I’m suppose to have one more pic, but I am lazy to go down and take a photo of our recent purchase. A 1946 cabinet sold to us by our neighbor.





Hi! Call me
! Welcome to my blog! Feel free to comment. Enjoy your stay! Special thanks to 









jennyL said,
aba at antigo na ng ayang gadget mo at natabi mo pa.. Uy buti walang anay yang hamba(?) na yan..naging magandang accent din sa house nyo
happy LP!! Eto po sa akin:
http://jennys-corner.com/2008/10/lp-luma-na-already-old.html
http://jennysaidso.com/2008/10/lp-luma-na-already-old.html
pining said,
kahit noon pala ay hi tech ka ha…o, gumagana pa ba?
at ang gara ng whatchamacallit?; very ornate at artistic
pining’s last blog post..Luma
Pinky said,
Buti at nai-restore niyo pa ang wall fixture - galing!
At ang ganda nga ng Christmas tree! Miss ko tuloy ang Paskong Pinoy… haaay…
Pinky’s last blog post..LP #28: Luma Na
Mrs. G said,
Lovely tree! What did you use to cover the stand?
marites1034 said,
bilib ako sa mga taong mahilig sa antique dahil marunong silang tumingin ng maganda kahit luma na. ang luma naman ng gadget na iyan? siguro, gumagapang sa bilis ang takbo niyan hehehe!
Eloise said,
ang galeengg!! yung luma na ngayon parang bago na ulet dahel nagbigay ito ng bagong “look” sa inyong sala.
Haay damang-dama ko na ang pasko sa bahay nyo.
Salamat sa pagbisita. Happy LP!
Eloise’s last blog post..LP: LUMA NA
Mama BoK said,
Wow..!! i really liked that ..!! you’ve got good taste..! it’s an art to be able to pick out things like that.. and then restore it.. and put it up in places to fix the room.
Mama BoK’s last blog post..Last One Standing Episode 13
iris said,
wow mahilig ka pala sa mga antiques. but that wooden accent is really nice
iris’s last blog post..The Flickr Mosaic tag
Jay said,
hindi pwede yang calculator na yan sa amin lalo na pag exams kasi pweding taguan/save ng kodigo
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista

Salamat sa pagbisita
Jay’s last blog post..LP#28: Luma na! (it’s old)
Jen said,
Gusto ko yung Christmas tree mo. Ang ganda niya! Maganda rin yang bagay na hindi ko rin alam kung anong tawag. Bumagay sa laki ng sala ninyo.
Jen’s last blog post..A couple of things that are old
Meeya said,
uy sis, type ko rin yung mag-scrounge sa mga junkyard for old home pieces na pwedeng i-restore kung makakapagpatayo na ako ng sarili kong house! kaya lang kailangan ko munang magka-house hehehe.
cute talaga ng xmas tree mo
paskong-pasko na sa inyo! 
Meeya’s last blog post..LP28: Luma Na
Raquel said,
Hi Girlie, you have such a beautiful house and well organize too. The Christmas is more attractive and I like the purple decor.
Weng said,
uy, nagkaroon din ako nang ganiyang electronic organizer. pero sa umpisa ko lang palagi nagagamit tapos sawa na. hee hee.
ganda ng bahay mo, girlie!
Weng’s last blog post..LP #28: Luma Na
ces said,
donya! i think pwede matawag iyan na architrave, though usually sa door ito ginagamit, pero parang ang purpose naman nya ay ganun din para ma-frame ang isang bagay, kundi e giant moulding! haha! ako rin i’m such a junkie:) ika nga one man’s trash is another’s treasure…tyo ung another:) hehe!
ces’s last blog post..your own [dot] com
G_mirage said,
Ok sa lahok, yung organizer k 2 years ago, nahulog, kaputt!
Anyway magandang accent nga ang nahagilap mo, parang sakin divider na din ang dating ng fixture na yan…HAppy LP!
G_mirage’s last blog post..Another vote!
Joy said,
Galing ng mga lahok mo. Kakatuwa yung architectural thing na nasa bahay mo.
Maligayang araw!
Joy’s last blog post..LP: Luma Na (It’s Old)
ShutterHappyJenn said,
Nung high school ako, inggit na inggit ako sa classmate kong meron nyang calculator. =) Salamat sa pagdaan sa blog ko.
ShutterHappyJenn’s last blog post..Sandwiched
JO said,
wow! napakalaki naman ng living room mo!
karmi said,
pasko na pala sa bahay nyo ate. =)
ang ganda nga nung arko dun sa living room nyo.. sakto.
karmi’s last blog post..girbaud.
justice said,
girlie, ang ganda ng effect. grande!
justice’s last blog post..just one of those days
ayen said,
Ang ganda talaga! It looks unique. Love the tree too.
Add A Comment