subscribe to the RSS Feed

Friday, May 25, 2012

Dalampasigan: 12th Litratong Pinoy

Posted by girlie on July 31, 2008

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Sadyang mahal na mahal ko ang dalampasigan. Pede akong mabuhay dito kahit ilang ulit ko pang sabihin na ako ay “city girl”. Sa tuwing isa-suggest ng aking kabiyak na sa probinsya kami manirahan kapag kami’y matanda na, isa lang ang aking sinasagot, di ako mabubuhay sa probinsya. Hindi naman sa kahit anu pa man, pero ayaw ko malalayo sa aking mga anak pagdating ng panahon. Isa rin sa mga rason ay ang kasanayang mamuhay sa siudad, siempre hahanap-hanapin ko ang simoy sa Malls, pano na ang pag-inom ko ng kape sa Starbucks? Pano na ang madalas kong pagpunta sa 168 at Divisoria? Pano na ang aking belly dancing (haha, dancing granny daw o)? Ang daming paano na di ko kaya pa i-give-up sa ngayon. Ngayon lang naman ito, kaya pagbigyan nyo nako. Malay mo pagdating ng panahon sa Tagaytay kami manirahan ng aking kabiyak, malapit lang naman yun sa Alabang, pede na din.

** I just love the beach. I keep on telling the hubs that I can’t live outside the city. Yes, I am a city girl. But then if he chooses to live by the sea (err a house near the sea would do, but just a stone’s throw away) I wouldn’t have a problem with it. (Aba iba yata ang naging translation) The reason why I don’t like to live outside the city is because of the kids. I don’t want to be away from them. Plus the fact that I am so used to the city life. I would miss the malls, starbucks, 168, Divisoria and what about belly dancing? But who knows when we’re old and gray, we would live in Tagaytay. That will do since it’s near Alabang.

Related Posts with Thumbnails

Add A Comment

home | top