9th Litratong Pinoy: Kalayaan (Freedom)
Posted by girlie on June 12, 2008
Sure ako, di lang ako ang nag-iisang mag post ng bandila ng Pilipinas. Naisip ko lang ito dahil sa sobrang amused ang anak kong lalaki nung nakakita sya ng bandila na nakalagay sa kotse. Aba siempre sinimulan ko na ang kwento ko. Naalala ko dati nung maliit pako (laking probinsya ako - Cotabato City), sa tuwina magse-celebrate ng Independence Day, parati kinakabit ng Tatay ko sa kotse namin ang munting bandera. Kinalakihan ko na ito, parang requirement yata sa lahat ng may sasakyan nung araw ang pagkabit ng bandila, kasi sabi nya huhulihin daw ng pulis kung walang bandila ang sasakyan. Di ko na din talaga inalam kung talagang naging law or city ordinance ito.
*I’m sure I am not the only one who will post a picture of the Philippine Flag. Seeing the amusement in my son’s face when he saw a Philippine Flag in one of the cars, I took the opportunity to narrate to him a story. I remember when I was growing up in Cotabato City, everytime Independence Day is celebrated, my Dad would always take out a flag and put it in the car. Until this day, I still believe that it was a requirement, and I still remember what Dad said about the police stopping cars without flags. I didn’t bother to know if this was a law or an ordinance.
E ano naman kinalaman ng mga singsing na iyan? Ay sakin malaki ang kinalaman nyan. Kasi sabi ng iba, pag ang isang tao ay lumagay sa tahimik, nawawala na ang kalayaan. Sa akin hindi. Siguro maswerte lang ako kasi mabait at maunawain ang napangasawa ko. Hindi sya yung tipo ng asawa na parang lahat na lamang ay bawal. Ako pa rin si ako, hindi binago ang pag-aasawa. Hindi nawala ang aking identity. Aking masasabi na di ako dependent sa kanya. Feel na feel ko ang “independence”. Teka nakakapagod na isalin sa Ingles…tutal naka 50 na salita na naman ako sa unang translation. LOL




Hi! Call me
! Welcome to my blog! Feel free to comment. Enjoy your stay! Special thanks to 









ces said,
gusto ko ang mga singsing, pareho tayong maswerte sa napangasawa! kaya eto tulad mo hip and cool pa rin haha!
ces’s last blog post..LP #11: i have a tale to tell
Pinky said,
Ang sweet naman ng ibig sabihin ng kalayaan sa iyo…
Kung gagamitin ko ang iyong depinisyon, apir pala tayo - dahil masuwerte din ako sa napangasawa ko at pinanatili niya ang kalayaan kong maging ako kahit kasal na kami 
Pinky’s last blog post..LP #11: Kalayaan
julie said,
Ang ganda ng mga larawan at ng iyong isinulat na interpretasyon ukol sa kalayaan.
Isang mapagpalayang Araw ng Kalayaan sa iyo
julie’s last blog post..Kalayaan - Freedom
Thess said,
teka muna amiga, babatiin ko muna ang LENS BABY mo!! nagsumbong na nga ako kay Tita babyrambutan na hindi mo ako hinintay hu hu hu *lol! GOOD JOB on these shots..hamo pag dating ng lens baby ko, sasamahan kita sa sakit ng likod he he.
Hay naku naniniwala akong suerte ka kay fafah N mo, fowgeeh na mabait pa. At suerte din sya sa iyo ha
Thess’s last blog post..LP #9 Ihip ng hangin
Clicking Away said,
Girlie, naku, gusto ko gawin yan… ang magsabit ng watawat sa kotse kapag araw ng kalayaan… sana naman ay magtinda sila ng mga watawat…makakamtan natin ang tunay na kalayaan kapag ipagmalaki natin na tayo ay Pilipino.
Ang ganda rin ng explanasyon mo sa pangalaw at pangatlo mong litrato.
Clicking Away’s last blog post..LP011 - Kalayaan
lino said,
nice photos… maligayang araw ng kalayaan…:)
lino’s last blog post..kalayaan…(freedom)
lidie said,
oo nga, karaniwan ay maiisip na ang kalayaan ay nawawala pag nagpakasal na… masuwerte ka talaga!
magandang huwebes sa’yo!
lidie’s last blog post..LP #11 :: Kalayaan
Reflexes said,
ay anu ba yun…tinakot para lang magsabit ng bandila sa sasakyan. pero magandang maging tradisyon iyon…kahit minsan lang sa isang taon…ating iwagayway ang ating bandila saan man dako.
ay ako din…may kalayaan pa kahit na nag-asawa na
Reflexes’s last blog post..LP: Freedom (Kalayaan)
emoterang nurse said,
ang cute naman ng maliit na bandila….ang ganda ng kuha…ang cute!!!
natutuwa naman ako at ganun pa ka pa din kahit na nagasawa ka na…ayos ah…:)
happy huwebes…:)
emoterang nurse’s last blog post..LP # 11 Kalayaan
betchay said,
ako rin hindi ko nararamdaman na nawala ang aking “kalayaan” dahil sa pag-aasawa… bagkus ay mas naramdaman kong “malaya” ang buhay… naku mahabang eksplanasyon… basta yun na!
betchay’s last blog post..Litratong Pinoy: Kalayaan
iris said,
sa tingin ko isang urban legend lang yung tungkol sa pagaasawa
hehe. unless nalang you married for the wrong reasons, diba?
Dragon Lady said,
natuwa naman ako sa mga lahok mo, hipncoolmomma!
ako rin ay may lahok nang mga litrato ng ating pambansang watawat.
isang mapagpalayang huwebes sa iyo!
Dragon Lady’s last blog post..L.P. #3: Apat na kanto
Buge said,
Ang gaganda ng mga larawan, buhay na buhay ang mga kulay. Naalala ko yung librong The Prophet ni Kahlil Gibran… kung nabasa mo na ito ay katulad din ng paglalarawan mo ng mag-asawa ang isinulat niya.
Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!
http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
Buge’s last blog post..1st Litratong Pinoy EB: Kodakan Para Sa Kalayaan
teys said,
dun nalang ako sa singsing,
hip na hip ang kulay ng iyong pinaglagyan, salamat kay mister at isa ka pa ring malayang may-asawa! mabuhay si mister!
happy lp!
teys’s last blog post..LP#11 - Kalayaan
Rach (Heart of Rachel) said,
Great shots! Happy Independence Day! It’s great to know that marriage did not hinder your sense of independence nor did it change your personality.
Rach (Heart of Rachel)’s last blog post..Flexible Baby Stroller
toni said,
Ooooh ang gaganda ng singsing!!
Masayang LP sa iyo!
toni’s last blog post..Kalayaan Ko: Hipon!
Cookie said,
alam mo, parang ganyan yung speech ng bestfriend ko nung kinasal ako. nauna kasi syang lumagay sa tahimik sa kin eh. ganda ng singsing mo ha
Cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/
Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Kalayaan
mousey said,
tuwing araw ng kalayaan laging sinasabit din ng aking ama ang bandilang sa aming bintana.
maganda ang mga larawan at ang iyong singsing
mousey’s last blog post..Sky Watch
tin said,
salamat sa Diyos sa mga mababait na asawa!
ang tagal ko ng di nakakakita ng bandila natin na matingkad pa ang kulay.
palagi na lang luma o namumutla.
happy weekend!
Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
BusyMom: LP1 Kalayaan
tin’s last blog post..LP 11: Kalayaan (Freedom)
Linnor said,
ikaw pa lang ang nakita kong nagpost ng singsing. oo nga naman, para sa iba, ang singsing ay simbolo ng pagkawala ng kalayaang mamuhay ng mag-isa.
Linnor’s last blog post..Kalayaan
peterahon said,
salamat sa bisita sa aking blog, wow ang tagal mo na rin pa lang ito blog.
mabuhay ang kalayaan!
Marites said,
kakatuwa iyong pinaglagyan ng singsing!
Marites’s last blog post..Litratong Pinoy #4 Kalayaan
Lizeth said,
karaniwang naiisip nga lang yan ngunit nasa pagsasama at pagkakaintindihan ng mag-asawa yan. compromise ika nga!
masaya ako para sayo!
Lizeth’s last blog post..I will NOT miss.
Add A Comment